Abante Tonite Interactive

26 bahay, 58 bangka wasak Tidal wave rumagasa sa Mindoro

0 211

Dahil sa lakas na limang metrong hampas na tidal wave, 26 kabahayan at 58 fishing boat ang pawang nawasak malapit sa baybay ng Paluan, Occidental at Mindoro, Biyernes ng gabi.

Ayon kay Edward Emmanuel Yambao ng municipal disaster risk and reduction management office, halos lahat ng bahay na nasa baybay ng Paluan, Mamburao, Sta. Cruz, Rizal at Sablayan o nasa 10 barangay ay naapektuhan ng tidal wave na dulot ng bagyong Quiel.

Umaabot naman sa 11,962 mga residente ang naapektuhan ng bagyo na kung saan nasa 620 indibidwal na ang dinala sa mga evacuation center.

Bunga ng insidente at matinding pinsalang sinapit sa nasasakupang lugar, sinabi ni Paluan town Mayor Carl Pangilinan na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na magdeklara ng state of calamity dahil sa mga nawasak ng tidal wave. (Vick Aquino)