Abante Tonite Interactive

26 dengue patient mino-monitor sa Marikina

144

Nababahala si Marikina City Mayo­r Marcelino ‘Marcy’ Teo­doro sa paglobo ng mga nagkakasakit ng dengue kaya naman agad nitong ipinag-utos na mahigpit na i-monitor ang kanilang kundisyon.

Ito ay matapos bisi­tahin ni Teodoro ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) kung saan ay nababahala ang alkalde sa 26 dengue patient na naka-confine sa nasabing ospital.

Dalawa sa mga pas­yente ay taga-Marikina habang 24 ang galing sa ilang bayan ng Rizal.

Ayon kay Teodoro, inaatasan niya si Dr. Imelda Mateo, ARMMC director, na tanggapin at gamutin ang mga pasyente kahit na hindi ito residente ng Marikina upang maagapan ang kanilang kalaga­yan.

Sinabi naman ni Dr. Mateo na patuloy ang kanilang pagmo-monitor sa mga pasyente at wala silang pinipili basta malunasan ang mga ito at mabigyan ng sapat na medikasyon para sa kanilang paggaling.

Tiniyak naman ng alkalde sa mga pasyente na hindi sila pababayaan ng ospital at mabibigyan ng sapat na tulong para gumaling.

Samantala, pina­igting naman ang kampanya laban sa dengue sa lahat ng barangay sa Marikina kasabay ng pagbibigay ng payo na magsuot ng medyas at maglagay ng mosquito repellants para mapa­ngalagaan ang kanilang kalusu­gan lalo na ang kabataan na kadalasang nabibiktima ng naturang sakit.

Pinayuhan din ng alkalde ang mga magulang na dalhin agad sa pagamutan ang kanilang anak sakaling nakararanas ng ma­tinding lagnat at ilang sintomas ng dengue. (Vick Aquino)