Abante Tonite
Mabilis sa Balita

26 magsasaka pinamanahan ng lupa

0 84

Nasa 26 na magsasaka sa Camarines Norte ang tumanggap ng land title mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Sa pamamagitan ng programang Serbisyong DAR-to-Door, ipinamahagi ang mga certificates of land ownership award, na may 24 ektarya, sa mga benepisyaryo ng agrarian reform sa mga munisipalidad ng San Lorenzo at San Vicente.

Hinimok naman ni DAR Municipal Agrarian Reform Program Officer Nilla Lagatuz ang mga magsasaka na huwag magpatuksong ibenta ang kanilang mga lupa.

“I urged each of them to maximize the use of these lands, and not be tempted to sell especially when they are in dire need of cash,” ani Lagatuz. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.