Abante Tonite
Mabilis sa Balita

26K Batang Maynila nagpalista sa COVID bakuna

0 70

Mahigit 26,000 menor de edad o edad 12 hang­gang 17 ang nagparehistro para sa COVID-19 vac­cination sa Lungsod ng Maynila.

Nabatid sa datos ng Manila City government na mula sa Setyembre 5 hang­gang alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes, Setyem­bre 16, ay nakapagtala na sila ng 26,630 menor de edad na nais mabakuna­han laban sa coronavirus.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na tuloy-tuloy pa rin ang pre-registration ng kabataan sa pagpapaba­kuna kahit pa wala pang go signal ang pamahalaan para turukan na sila dahil sa kakulangan ng supply nito.

Aniya, paghahanda lamang ito at wala pang abiso kung kailan sila ba­bakunahan.

Maaari umanong bu­misita sa www.manilaco­vid19vaccine.ph, opisyal na vaccination website ng Manila city government, ang mga gustong mag­parehistro. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.