Abante Tonite Interactive

27 araw quarantine dapat sa COVID-19

531

Mas makabubuti umano kung paabutin ng 27 araw ang quarantine period para sa may mga sintomas ng 2019 coronavirus ­disease (COVID-19) sa halip na 14 na araw ­lamang na siyang sinusunod sa kasalukuyan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng China, isang 70-anyos na lalaki sa ­Hubei province ang nagpositibo sa COVID-19 pero hindi kinakitaan ng sintomas ng hanggang 27 araw. Kaya kinakailangan na habaan ang incubation period ng hanggang 27 araw.

Naniniwala ang lokal na pamahalaan na ang ­mahabang incubation ay mas makakatulong para mapigil ang paglaganap ng virus na umabot na sa may 2,000 katao ang nasasawi sa China.

Ang lalaki na kinilala lamang sa kanyang ­family name na Jiang ay nagmaneho ng kanyang sasakyan noong Enero 24 pabalik sa Shennong­jia, na nasa northwestern ng ­Hubei, mula eastern Ezhou, kung saan siya nagkaroon ng close contact sa kanyang kapatid na babae na nagpositibo sa ­COVID-19.

Nalaman sa government website ng Hubei, ang epicenter ng virus, na siya ay nagkalagnat noong Pebrero 20 at nagpositibo sa COVID-19 makalipas ang isang araw. (Juliet de Loza-Cudia)