Abante Tonite Interactive

274 manufacturer ng suka pinagpapaliwanag ng FDA

354

Inatasan ng Food and Drug Administration (FDA) ang 274 manufacturer ng suka sa bansa na ipaliwa­nag kung ano ang mga sangkap ng kanilang produkto.

Ayon kay Health Undersecretary at FDA Officer in Charge Rolando Enrique Domingo, lahat ng suka na ibinebenta sa merkado ay dapat gumagamit ng acetic acid na dumaan sa fermentation at hindi ng peke o synthetic na acetic acid.

Aniya, agad nilang ipatatanggal sa merkado ang mga produktong suka na hindi natural fermentation ang prosesong dinaanan.

Tiniyak ni Domingo na mananagot ang mga manufacturer na nagsasabing produkto ng natural fermentation ang ginamit nilang acetic acid subalit mapapatunayang synthetic o pekeng acetic acid lamang.

Kasama rin sa gagawing pagsusuri ang paggamit ng clouding substance o pampalabo para magmukhang suka ang produkto. (Mia Billones)