Abante Tonite
Mabilis sa Balita

28 ASG todas, 29 sumuko – AFP

0 382

Umaabot na sa 28 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay mula Enero 1 hanggang Hunyo 18 ngayong taon habang 29 na iba pa ang sumuko at 4 ang naaresto, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kinumpiska rinumano sa grupo ang 41 high powered firearms at 7 improvised explosive device (IED) habang walo sa mga safehouse ng mga ito ang nakubkob din ng militar.

Kabilang umano sa malalaking nagawa ng AFP ang pagkakadakip sa ASG bomber na si Kahar Indama ng noong Hunyo 18. Siya umano ang responsable sa 2007 Batasan Complex bombing kung saan dalawa ang namatay at pitong iba pa ang sugatan.

Sangkot din ito sa ilang malalaking pambobomba sa probinsya partikular sa Sulu.

Naging sunod-sunod din ang pagsuko ng mga miyembro ng ASG sa Patikul, Sulu sa Western Mindanao Command noong Hunyo 16 at 17, kabilang ang isang Imam at walong iba pa.

Samantala dalawang miyembro naman ng ASG ang napatay ng 6th Special Forces Battalion nitong Hunyo 5 sa madugong labanan kontra sa tinatayang 40 ASG, apat na sundalo ang nasawi sa engkwentro habang 7 iba pa ang sugatan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.