Abante Tonite
Mabilis sa Balita

28 probinsya, siyudad alert level 3

0 182

Nadagdagan ang mga lalawigan at lungsod na nasa alert level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kahapon ang mga lugar na inilagay sa alert level 3.

Kabilang sa mga isinailalim sa alert level 3 sa Luzon ang Benguet, Kalinga, Abra, La Union, Ilocos Norte, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Isabela, Quirino, Nueva Ecija, Tarlac, Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Camarines Sur at Albay.

Alert level 3 din ang mga lugar sa Visayas, partikular sa Bacolod City, Aklan, Capiz, Antique, Cebu City, Mandaue City at Tacloban City.

Sa Mindanao, alert level 3 ang Cagayan de Oro City, Davao City, Butuan City, Agusan del Sur at Cotabato City.

Magiging epektibo ang alert level 3 sa mga nabanggit na lugar simula Enero 14, hanggang Enero 31, 2022. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.