Abante Tonite
Mabilis sa Balita

280 aftershock naitala sa 6.6 lindol

0 167

Nasa 280 na ang naitatalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Masbate matapos itong tamaan ng 6.6 magnitude quake kung saan ang pinakamalakas ay nasa 5.2 magnitude.

Ayon sa Phivolcs, inaasahang madaragadan pa ang aftershocks hanggang sa susunod na 3 araw.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na sa 280 naitalang aftershocks, 100 sa mga ito ay nasa malaking range ng magnitude kung saan ang pinakamataas ay 5.2 magnitude na naitala kahapon ng alas- 5:50 ng umaga, walang intensity na naramdaman sa nasabing malakas na aftershock.

Ang lindol sa bayan ng Cataingan, Masbate ay resulta ng paggalaw ng Masbate segment ng Philippine fault zone.

Pinapayuhan ng Phivolcs ang mga residente na umalis na sa kanilang mga tahanan kung mayroon itong mga crack lalo at inaasahan pa ang mga malalakas na aftershocks. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.