Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2,824 sumuway sa Navotas lockdown

0 308

Umabot sa 2,824 ang lockdown violators na naaresto ng Navotas Police simula ng ipatupad ang lockdown sa Navotas City.

Base sa report ng Navotas Police, sa bilang na ito ay 2,677 ang mga adults habang 147 naman ang menor-de-edad.

Samantala, 21 naman ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 at 28 ang gumaling na kung saan ay umabot na sa 1,236 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Navotas. Nasa 634 dang mga active case, 525 ang gumaling habang hindi nadagdagan ang bilang ng namatay na 77. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.