Abante Tonite
Mabilis sa Balita

285 virus patient gumaling sa Navotas

0 267

Nagtala ang Navotas City ng 285 COVID-19 patient na gumaling sa nasabing sakit sa loob lamang ng isang araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang pinakamalaking bilang ng recovery na naitala sa lungsod at sa buong Northern Metro area, simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa. Umabot naman 102 ang kumpirmadong nahawaan ng virus at isa ang binawian na ng buhay.

Kaugnay nito, nais ng ilang frontliner sa lungsod na palawagin pa ang modified enhanced community quaratine dahil 70 porsyento pa rin ang occupancy ng mga ospital at kapag ibinalik sa general community quarantine tiyak na mapupuno na naman umano ang mga ospital. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.