Abante Tonite
Mabilis sa Balita

29 pasaway sa Bulacan, nalambat

0 109

Umabot sa 29 na mga law breaker kabilang ang siyam na drug suspect ang nadakip ng awtoridad sa ibat-ibang police operation na inilatag ng Bulacan police kabilang ang anti-illegal drug operation sa bayan ng Marilao, Bocaue, Plaridel at Baliwag sa lalawigan ng Bulacan, Biyernes ng gabi.

Sa report ni P/Lt. Col. Dominador Ignacio, OIC ng Marilao Municipal Police Station (MPS) kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang nadakip sa bayan ng Marilao na sina Rolf Hans De Venecia, Mary Anne Francisco at Mark Anthony Gregorio, pawang residente ng Barangay Ibayo, Marilao.

Nabatid na alas-7:00 ng gabi nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives ng Marilao police ang operasyon sa Barangay Ibayo, ng nasabing bayan at kumagat ang tatlong suspek na nakuhanan nila ng ilang pakete ng shabu at buy-bust money.

Naglatag din ang SDEU ng Bocaue police sa over all supervision ni P/Major Marvin Aquino ng buy-bust operation sa Barangay Wakas, Bocaue at nakorner ang drug suspect na si Ryan Elias alias Joker, na nakumpiskahan din ng droga at buy-bust money.

Habang ang ilan ay nakorner sa paglabag sa MECQ, anti-fencing law, robbery extortion at reckless imprudence resulting to physical injury sa magkakahiwalay na lugar. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.