Abante Tonite Interactive

2k 20 players tourney: Lakers, Bucks mabenta

389

Mabenta ang Lakers at Milwaukee Bucks sa NBA 2k 20 Players-Only Tournament.

Sa walong matches sa first round, tig-apat na beses nang ginamit ng 16 players ang Lakers at Bucks.

Sa laro kahapon, si Giannis Antetokounmpo at ang Bucks ang ginamit ni Phoenix Suns guard Devin Booker laban kay Denver forward Michael Porter Jr. na gumamit kay LeBron James at Lakers.

“You should have just picked the Suns, I would have picked the Nuggets,” pakli ni MPJ bago ang laro.

“Eeeehhh,” nakatawang sagot ni Booker.

Sa Twitter ay sinabi ni Booker na magulo ang 2K counterpart niya.

“Because @NBA2K has my player messed up,” aniya.

Nanalo si Booker 85-75 para umusad sa knockout quarterfinals laban kay No. 13 seed Rui Hachimura ng Washington Wizards na 74-71 winner kay No. 4 seed Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

Sa iba pang quarters pairing ay sina Derrick Jones ng Heat kontra Montrezl Harrell ng Clippers, at Trae Young ng Hawks laban kay Deandre Ayton ng Suns.

Sina Harrell at Domantas Sabonis ng Indiana Pacers ang una sa torneo na gumamit ng real-lif teams nila sa laro. Inalaska pa ni Sabonis ang sarili sa game, inilabas na sa kaagahan ng first quarter, nanalo si Harrell 73-51. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad