Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2K arawang COVID case target sa pagluwag ng quarantine

0 216

Maaari lamang umamong paluwagin ang quarantine status sa National Capital Region (NCR) kapag nakapagtala na ng 2,000 bagong kaso kada araw dito.

Ito ang iginiit nina Professor Ranjit Rye at Dr. Guido David ng OCTA Research Group kasunod ng inaasahang pag-anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na COVID-19 quarantine classification sa NCR Plus area.

Ayon kay Rye, base sa data, ang threshold ay average na 2,000 COVID-19 case araw-araw sa NCR. Babala ng OCTA, anumang bilang na lampas dito ay magreresulta pa rin sa paglala ng sitwasyon ng ating hospital system.

Sa ngayon ay hindi pa maaaring magpatupad ng general community quarantine (GCQ) ang pamahalaan dahil maaaring magresulta ito sa muling pagdami ng naitatalang COVID-19 case.

Sinabi ni Rye na matagal na panahon pa para mapababa ang bilang ng mga kaso ng sakit kaya’t nais nilang magkaroon pa ng panibagong isang linggong extension ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Dagdag ni Guido, sa ngayon ang average daily COVID-19 case sa NCR ay nasa 3,500. Mas mababa ito kumpara sa dating 5,500 bago magpatupad ng enhanced community quarantine sa NCR Plus area. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.