Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2K trabaho sa construction alok ng DOLE

0 129

Nasa 2,000 trabaho sa construction bilang production operator ng isang malaking contractor ang inaalok ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Karamihan din sa mga bakanteng trabaho na hinahanap nito ay mula sa mga Business Process Outsourcing (BPO) na nangangailangan ng 600 customer service agent sa Maynila, at 600 sa Quezon City.

Target ng DOLE na mabigyan ng training ang mga naghahanp ng trabaho. Maaaring magparehistro sa Jobstart program ng kagawaran. Alok din dito ang internship na mayroong suweldo.

“Mayroon pa rin po silang allowance, puwede nilang magamit ‘yon during the technical training, and for the internship naman 75 percent of the prevailing minimum wage in the region ang binibigay po natin,” sabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay sa isang panayam.

May 1,739 namang job vacancy na maaaring aplayan sa Public Employment Service na may tanggapan sa bawat lokal na pamahalaan.

Habang nasa 5,000 ang maaaring aplayan online sa trabaho, negosyo, at kabuhayan na nasa website ng Bureau of Local Employment. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.