Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2M bakuna naiturok sa Maynila

0 44

Umabot na sa dalawang milyong COVID-19 vaccine ang naiturok sa Lungsod ng Maynila.

Ito ang inianunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno matapos na muling ituloy kahapon ang pagbabakuna sa lungsod nang mapilitan itong itigil nitong Miyerkoles ng hapon bunsod ng problemang teknikal sa kanilang online system.

Nabatid na nakapagpamahagi na ang lokal na pamahalaan ng 2,009,171 bakuna simula noong Marso hanggang nitong alas-6:00, kamakalawa ng gabi.

Nasa 1,265,473 ang naiturok bilang first dose at 792,505 naman ang pangalawa at huling dose.

Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na tumatanggap na silang muli ng walk-in vaccinee sa ilang piling vaccination center, at maaari na ring magpabakuna sa Maynila maging ang mga taong hindi residente ng lungsod. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.