Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2M biyahero di nakauwi noong Pasko

0 80

Mahigit dalawang milyong pasahero ang hindi nakauwi sa kani-kanilang probinsya nitong nakaraang Pasko bunga diumano ng magkakaibang travel requirements ng mga local government units sa mga probinsya.

Dahil dito, nanawagan si Alex Yague, executive director of Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) kay DILG secretary Eduardo Ano na magpalabas ng isang kautusan na magtatakda ng klaro at unipormadong listahan ng mga dokumentong kailangan ng isang biyahero.

Ayon kay Yague, nakatanggap sila ng mga reklamo sa mga pasahero na marami sa kanila ang pinauwi makaraang hindi makapagpakita ng mga dokumento o kulang sa mga travel documents.

“Magkakaiba ang mga requirements ng mga LGU tulad sa Baguio na kinailangan pa ang swab test results samantalang PCR test naman sa iba o travel authority naman sa ibang mga probinsya. Kaya naman ang nangyayari, maaaring makapasok sa isang probinsya ang isang pasahero pero haharangin sila sa ibang probinsya,” ani Yague.

Nakakalito at nakakaawa naman sa mga biyaherong nag-ipon ng pera at naghanda para pag-uwi pero haharangin lamang dahil sa kawalan ng ibang dokumentong magpapakita na sila ay okey na makapasok sa isang probinsya,” dagdga pa nito.

Naniniwala si Yague na isang direktiba lamang mula sa DILG secretary Ano ang kailangan upang masolusyunan ang nasabing problema.

Mahalaga aniyang makapanumbalik na ang operasyon ng mga provincial buses upang mabuhay na rin ang lokal na ekonomiya at turismo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.