Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2M COVID bakuna mapapanis sa June

0 71

Aabot sa dalawang milyong bakuna laban sa COVID-19 ang nakatakdang ma-expire sa Hunyo 30.

Subalit sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na hindi pa pinal ang naturang bilang ngayong katapusan ng Mayo.

“Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by end of May. But hanggang June we are expecting kung hindi ma-jab almost 2 million kung hindi magamit by end of June,” ayon kay Cabotaje sa Laging Handa public briefing kahapon.

SM food to go Banner Ad

May isinumite aniya ang DOH na “demand forecast” na 34 milyong doses ng COVID bakuna.

“Ito `yong parang pang palit, `yong nag-expire na at saka `yong puwede pa [at] mga pa-expire, which includes brands such as Sinovac, AstraZeneca, and Pfizer,” sabi ni Cabotaje.

Tiniyak naman aniya ng COVAX base sa natanggap nilang komunikasyon na papalitan ang lahat nang mai-expired na bakuna maging ang mga hindi galing sa kanila.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.