Abante Tonite Interactive

2nd baby ni Marian made in Palawan

By
0 4,555

Handa na kaya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian River­a na bigyan ng second baby si Dingdong Dantes?

Ngayong Father’s Day ay balak nilang pumunta sa Palawan ng kanyang mister bilang selebrasyon at isang magandang pagkakataon din ito para ma-explore ang naturang lugar na timing din naman para sa bagong show ni Dong na ‘Amazing Earth’.

Tinanong ang Primetime King kung sa Palawan na rin ba bubuuin ang second baby nila ni Marian?

Natawa ang aktor. “Sana… sana,” pakli lang niya.

Nu’ng September last year may statement si Marian na tatapusin niya muna ang seryeng ‘Super Ma’am’ bago pag-isipan ang pagbubuntis.

Matagal nang nag-ending ang serye niya kaya puwede na kung gagawa sila.

Hiling din ng panganay nilang si Zia ay magkaroon siya ng kapatid na baby boy.

Samantala, para kay Dong, pi­naka-memorable na lugar talaga sa kanila ni Marian ang Palawan sa lahat ng napuntahan nila dahil unang-una, dito raw kinunan ang Dyesebel ng asawa.

“So, ang dami naming activities together do’n, so gusto na­ming binabalik-balikan ‘yun,” sey ng ­aktor.

Inurirat din kay Dong ang tung­kol sa blue roses na ibinigay sa kanya ni Marian bilang pagbati sa kanya sa darating na Father’s Day at aminado siyang okay daw pala ang pakiramdam na makatanggap ng bulaklak.

Sa kanyang bagong show na ito ay ipakikita ni Dong ang unseen beauty ng ating planetang Earth. Ipiprisinta niya ang extraordinary and exceptional wildlife from all over the world at dadalhin din niya ang manonood sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas – from its natural formations and all types of terrains to its fascinating flora and fauna.

Mapapanood every Sunday ang Amazing Earth pagkatapos ng 24 Oras Weekend on GMA Sunday Grande simula sa June 17.