Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2nd bubble swab test nega lahat

0 93

Clark Smart Giga City – Negatibo lahat ang resulta ng huling swab tests ng 12 teams ng PBA na nasa Pampanga bubble.

Clark Development Corp. ang namahala sa second round testing para sa coronavirus na isinagawa noong nakaraang linggo.

Related Posts

Naka-walong araw na ang mga laro ng ni-restart na Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF gym, iniskedyul ng liga ang tuwing ikalawang linggong swab testing alinsunod sa protocols ng DOH at GAB mula sa IATF.

Sinabi ni commissioner Willie Marcial nitong Lunes na ipapa-schedule ang testing ng players na huling pumasok sa bubble, kasabay ng ilang miyembro ng PBA staff.

Ikinatuwa ng Commissioner ang naobserbahang mahigpit na pagsunod ng players, coaches at team personnel sa protocols sa loob ng tatlong linggo sapul nang magsimulang pumasok sa bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.