Abante Tonite Interactive

2nd EVCAA hoopfest inatras sa Setyembre

0 240

Kung ipapahintulot ng tadhana ang pagtuklas ng iniksiyong gamot sa coronavirus 2019 o milagrong maglayo na lang ito, sa lang itutuloy ang iakalawang taon nang pinakamalaking inter-collegiate basketball tournament sa Eastern Visayas sa darating na Setyembre.

Ayon kay Eastern Visayas Collegiate Athletic Association (EVCAA) executive director Julius Ross Lacaba, unang plinano nila ang pagbubukas ng ikalawang edisyon ng paligsahan noong Pebrero pero naiurong noong Marso dahil sa pagkumpuni sa playing venue ng liga, ang Tacloban City Convention Center.

Pagkaatras noong Marso, nagpairal naman ng ehanced community quarantine sa malaking parte ng Luzon at iba pang kapuluan dahil sa pagsambulat ng global outbreak, napilitan ulit ang EVCAA na i-reset ito bago maghuling quarter ng taon.

Nasa pitong team ang kalahok sa basketball tournament sa pangungunang ng defending champion Eastern Visayas State University.

Kasali rin ang Leyte Normal University, Saint Paul School of Professional Studies, Southern Leyte State University, Northwest Samar State University, Biliran Province State University, at Samar State University. (RC)

Tonite – Wendys Inhouse Ad