Abante Tonite
Mabilis sa Balita

2nd round ni Bianca naudlot

0 124

Tinigil ng malakas na anim na oras na ulan ang second round nina Tokyo Olympic-bound Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2021 16th leg $1.5M (P73M) 9th Volunteers of America Classic sa Old American Golf Club sa The Colony, Texas Biyernes (Sabado sa Maynila).

May one-under par pagkaraan ng seven holes si Pagdanganan, at may two-over par tapos ng third hole si Ardina makaraan ang identical 70s sa opening.

Nagsumite naman ng 70-140 si Clarissmon ‘Clariss’ Guce para sa nine-way tie sa 34th place upang makasigurado na sa cutoff. Nasa clubhouse lead si Matilda Castren ng Finland sa 66-132, dalawang palo ang layo kay Korean Jeongeun Lee. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.