Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3.5M estudyante maaga nag-enroll

0 221

Aabot na sa 3.5 milyong mag-aaral ang maagang nagparehistro para sa enrollment ng school year 2021-2022.

Ayon sa Department of Education (DepEd), hindi naging hadlang ang pandemya para hindi makapag-aral ang mga bata dahil base sa Early Registration Monitoring Report nasa 3,514,550 mag-aaral ng Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 ang pasok na sa early registration.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa data, nangunguna ang Region VII na may 353,399 early registrant; nasa 351,882 ang Calabarzon at Region VI na may 268,422 mag-aaral.

Hanggang sa Biyernes, April 30 ang early registration na sinimulan noong Marso 26. Samantala, tentative date pa ang pagbubukas ng klase sa August 23. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.