Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3.5M Pinoy bibigyan trabaho ng DOLE

0 47

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mapababa ang unemployment rate ngayong taon katulad noong 2019, na nag-average ng 5.1 porsiyento o 2.3 milyong jobless Filipino.

Sa panayam sa telebisyon nitong Lunes, sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na hanggang Disyembre 2020 ay umabot sa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Kaya umaasa aniya ang DOLE na mabigyan ng trabaho ang nasa 3.5 milyong Pinoy upang pasiglahin ang ekonomiya na pinadapa ng COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bawat ahensiya aniya ay responsibilidad na lumikha ng trabaho.

“This is an all-government effort to improve the employment situation in our country. Each government agency has the responsibility to create jobs,” ani Bello. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.