Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3.5M positibo ng COVID napigilan ni Duterte

0 271

Dinepensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang umano’y kapalpakan ng Inter Agency Task Force (IATF) sa pandemic response.

Aniya, kung hindi gumalaw nang tama si Pangulong Rodrigo Duterte at ang IATF ay 3.5 milyon sana ang may coronavirus disease sa Pilipinas.

“Ihiwalay po natin ‘yung DOH (Department of Health) sa IATF. Ang IATF employs the whole of government approach. Hindi po ‘yan mga politiko. Karamihan po diyan civil servants. Alam po nila ang kanilang ginagawa. Kaya nga po ‘di tayo umabot sa 3.5 million na may sakit,” pahayag ni Roque.

Dagdag niya, hindi dapat ikabahala ang mahigit 82,000 COVID case sa Pilipinas dahil kakaunti lang aniya ang nagkakasakit ng severe at acute sa mga ito.

Tinanggi rin niya na walang recovery plan ang Duterte administration para sa COVID-19.

“Hindi totoo ‘yan. Alam po natin na sa buong daigdig, ang ating panlaban ay testing, isolation at treatment. Kaya nga po pinapaigting natin,” wika pa ng tagapagsalita. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.