Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 ABL player sa PBA draft

0 72

Tatlo sa mga inaasahang magiging markado ng scouts sa 36th PBA Rookie Draft 2021 sina Jeremiah Gray, Brandon Ganuelas-Rosser at Jason Brickman.

Inaasahang mauunang matatawag ang pangalan ng tatlong Fil-Am sa draft na pansamantalang itinakda sa March 14. Naglaro na silang tatlo sa San Miguel Alab Pilipinas sa ASEAN Basketball League.

Kapatid ni San Miguel Beer wingman Matt Ganuelas-Rosser si Brandon, 26. Brusko ang nakalistang 6-foot-7 frame ni Brandon na produkto ng University of California Riverside.

Galig ng Dominican University of California si Gray. Maliksi ang 24-year-old sa taas niyang 6-6.

Pinaka-senior sa tatlo si Brickman, 29, pero pinakamaliit sa 5-foot-10. Playmaker ng Long Island University si Brickman.

Nakasama rin dati ni Brickman si Phoenix Super LPG gunner Matthew Wright sa Westports Malaysia Dragons sa ABL din. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.