Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 Abu Sayyaf sumuko

0 79

SUMUKO ang ilang miyembro ng bandidong grupo ng Abu Sayyaf sa mga sundalo sa Sulu.

Ito ang sinabi ni WestMinCom Commander Lt. Gen Corleto Vinluan.

Sinabi ni Vinluan na nagsawa ang grupo nina Alyas Dexter sa ginagawa ng mga lider sa Abu Sayyaf.

Sangkot din sila “Dexter” sa umano’y kidnapping ng Indonesian seafarers.

Sumuko si Dexter sa 6th Special Forces Battalion, kasama sina Albasir Salim a.k.a. Abu Sadad, na miyembro dati ng ASG Sub-leader Sibih Pisih at Edwin Panduga Abdulmain alyas Splakang, na miyembro ng ASG Subleader Ekoh Udjaman.

Sinabi ni Dexter na hindi nila alam na magsasagawa sila ng kidnapping. Pakiramam nila ay pinagsinungalingan sila at nagamit. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.