Abante Tonite Interactive

3 adik na tinedyer sinuplong ng ka-tropang bebot

By
370

Hindi akalain ng tatlong teenager na ang kaibigan nilang babae ang maglalaglag sa kanila makaraang ares­tuhin habang bumabatak umano ng shabu sa loob ng nirentahang apartelle sa Cubao, Quezon City kahapon ng hatinggabi.

Kinilala ni P/Supt. Giovanni Hycenth Caliao, hepe ng Cubao Police Station 7 (PS-7) ang mga nadakip na sina Christian Demate, John Carl Daguinod at Romeo Miralles, kapwa 18-­an­yos, pawang residente ng Brgy. Pinyahan, sa nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay nadakip dakong alas-12:15 ng hatinggabi (September 1, 2018), sa loob ng Room No. 206 Aurora Cubao Apartelle, Brgy. Kaunlaran, Cubao.

Nakumpiska sa kanila ang 6 sachet ng shabu, 1 empty sachet na may bakas ng droga, drug paraphernalia at buy-bust money.

Ayon sa pulisya, ang mga nasabing suspek ay ikinanta ng mismong kaibigan nilang babae na tumangging banggitin ang pangalan, na dati ring nakiki-pot session sa mga nadakip.

Nabatid na rumerenta pa ang mga suspek ng mga kuwarto sa mga apartelle para doon isagawa ang kanilang pakiki­pag-transaksyon sa iligal na droga at ‘shabu session’.

Mariin namang itinanggi ng tatlong teenager ang akusasyon sa kanila at sinabing isang set-up lamang ang ginawa sa kanila. ­