Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 alkansya ng simbahan ninenok

0 96

Tatlong hindi pa kilalang magnanakaw ang kumulimbat sa tatlong piggy bank ng isang simbahan sa Talisay City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, ninenok ang tatlong alkansya sa loob ng opisina ng St. Joseph the Worker Parish sa Brgy. Tabunok.

SM food to go Banner Ad

Sa inisyal na imbestigasyon ng Talisay City Police, isang utility worker ng simbahan na si Arnold Tangaro ang nakadiskubre sa puwersahang pagbukas sa pinto ng simbahan.

Naniniwala ang mga pulis na nilooban ng mga magnanakaw ang simbahan bandang ala-una ng madaling-araw. Inaalam pa ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pera na nakuha ng mga suspek. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.