Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 ambulance personnel ng Muntinlupa, COVID positive

0 369

Pansamantalang ipinasuspindi ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi ang operasyon ng rescue unit ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos magpositibo sa COVID-19 ang tatlo nitong ambulance personnel.

Ayon sa alkalde, nakatalaga ang tatlong ambulance personnel sa Emergency Medical Services na nasa ilalim ng rescue unit ng lungsod.

Nagsimula ang suspensyon sa operasyon nito kahapon at ihahayag na lang nila aniya kung kailan ito magbabalik.
Samantala, sinabi ni MCDRRMO chief Erwin Alfonso na naka-quarantine na ang 26 pang miyembro ng rescue unit at sasailalim sila sa polymerase chain reaction (PCR) test.

Ipadi-disinfect naman aniya ang mga ambulansya at iba pang gamit ng rescue unit habang suspendido ang operasyon nito. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.