Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-anyos Fil-Canadian kinidnap, niligpit ng erpat

0 71

Natagpuan sa loob ng isang kotse sa Canada ang katawan ng isang 3-anyos na babaeng Filipino-Canadian na tadtad ng saksak mula sa sariling ama.

Sa ulat ng CTV news, natagpuan ang katawan ng nene sa isang kotseng nakaparada sa King Edward Street sa Jefferson Avenue noong Hulyo 7.

Sinubukan pa itong dalhin sa pagamutan ngunit hindi na naisalba pa.

SM food to go Banner Ad

Kinilala naman ang suspek na si Frank Nausigimana, 28, ama ng paslit.

Sa imbestigasyon, itinakas ni Nausigimana ang bata at saka pinagsasaksak.

Naaresto naman ito at ngayo’y kakasuhan ng first-degree murder. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.