Abante Tonite Interactive

3-anyos nagulungan ng van

0 219

Patay ang isang 3-taong gulang na batang lalaki nang magulungan ng papaalis na van sa Atimonan, Quezon Lunes nang hapon.

Sa report ng Atimonan police, nakahinto ang Hi Ace van na minamaneho ni Mark Anthony Abelladres, sa harap ng bus terminal sa Brgy. Tagbakin nang hindi nito napansin na lumapit ang bata sa unahan ng sasakyan.

Pagkaarangkada ng sasakyan, napailalim sa van ang bata at nagulu­ngan ng unahang gulong.

Bagama’t mabilis na isinugod sa Doña Martha Memorial District Hospital ay nasawi rin ito sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan.

Naaresto ng mga pulis ang driver at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ronilo Dagos)