Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-anyos nilamon ng apoy

0 146

Patay ang isang 3-anyos na nene nang di na makalabas sa nasunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Wala nang buhay nang matagpuan si Cia Sophia Quilit, 3, ng Pilapil St., Dagupan, Tondo.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, ala-1:13 ng madaling-araw nang magsimula ang apoy sa 4-palapag na tahanan sa 808 Pilapil St., Dagupan, Tondo, Manila, na pagmamay-ari ni Imelda Quilit.

Nagsimula umano ang sunog sa ika-2 palapag at mabilis na kumalat at hindi na naisalba ang biktima.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago naideklarang under control alas-2:18 ng madaling araw at tuluyang naapula alas-3:58 ng madaling-araw.

Nabatid na 10 tahanan ang nadamay sa sunog at 20 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Patuloy pang inaalam ang sanhi ng sunog. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.