Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-anyos pinalitaw na senior citizen

0 292

Pinuna ni Senador Francis Tolentino ang aniya’y ‘overbloated’ na data base ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), kung saan may nakalistang senior citizen na tatlong taong gulang lamang habang libo naman na idineklara bilang centenarians.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, ibinunyag ni Tolentino ang listahan kung saan ang mga miyembro na may edad 60-anyos pababa ay nakadeklarang ‘active senior citizens’.

“There’s a PhilHealth classification of senior citizens below 60 years old. Papano naman po nangyari yung senior citizen ka below 60 years old?” tanong ni Tolentino sa mga opisyal ng PhilHealth.

“Dito po sa figures na pinapakita ko, meron po ditong isang senior citizen na 18 years old. Meron po dito three years old, ginawa niyong senior citizen. Three years old lang,” dagdag pa nito.

Sa dokumentong nakuha ng tanggapan ni Tolentino, nakita doon na may 40,000 na centernarians sa isang rehiyon habang ang isang rehiyon naman ay may nakalistang 10,000 centenarian bilang miyembro ng PhilHealth.

Dahil dito, sinabi ni Tolentino na panahon na para linisan ang database ng ahensiya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.