Abante Tonite Interactive

3-anyos tinangay ng baklang palaboy

By
1,196

Pinaghahanap nga­yon ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang diumano’y baklang pa­laboy matapos tangayin ang isang 3-anyos na batang lalaki sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa nang umaga.

Nakilala lamang sa alyas na ‘Marian’ ang suspek na batay sa reklamo ng 30-an­yos na si Beverly Dela Rema sa MPD-Station 3 ay tinangay ang kanyang anak habang nasa labas ng bahay ang bata at naglalaro kasama ang ilan nilang kamag-anak.

Ayon sa ilang nakakita, kinarga umano ng suspek ang bata at saka tumakas na palayo.

Abante Hiring – IT dep

Simula noon ay hindi na umano nakita pa ang paslit kaya’t kaagad itong ini-report sa pulisya.

Base sa CCTV ca­mera ng barangay, nakitang sumakay ng jeep na biyaheng Lardizabal ang suspek karga ang nawawalang bata.

Nalaman pa na sangkot din ang suspek sa ilang insidente ng pagnanakaw sa Sta. Cruz at Sampaloc area sa Maynila.

Nagsasagawa nga­yon ng manhunt ope­ration ang pulisya para matunton ang suspek at maibalik ang biktima sa kanyang pamilya.