Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-anyos umabot sa P4K laruan na inorder online

0 191

Viral ang post ng isang netizen kung saan ibinahagi niya ang pagsa-shopping online ng 3-anyos pa lamang niyang pamangkin.

Ayon kay Marloue Napiñas Mahumot, nakatanggap ng text ang ina ng bata mula sa isang courier bago dumating ang mga order.

Hindi raw ito pinansin ng ina sa pag-aakalang wrong send lamang ito ngunit nagulat na lamang ang kanilang pamilya nang dumating ang mga mamahaling laruan na inorder ng bata.

Huli na ang lahat para i-cancel ang order at dahil sa awa sa delivery rider ay napilitan silang bayaran ang mga laruan na umabot sa P4,000 ang halaga.

Tuwang-tuwa ang batang si Nathan Pana nang matanggap ang mga laruang motorbike na may remote control at toy truck na may pedal.

Kuwento pa ni Mahumot, nakikita raw ng kanyang pamangkin kung paano ang pag-order ng ina nito sa Shopee kaya marahil ginaya ito. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.