Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3-anyos utas sa nasunog na bahay

0 174

Patay ang isang 3-anyos na batang lalaki habang limang katao, kabilang ang kapatid ng una, ang nasugatan matapos tupukin ang kanilang bahay sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Hindi na halos makilala ang sunog na katawan ni Steven Escueta, nang makuha ito sa natupok nilang bahay sa Brgy. Daniel Fajardo, Talon I. Nagtamo naman ng third degree burn sa mga binti ang 2-taong gulang niyang kapatid na si Gab-Gab na ginagamot sa Asian Hospital.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dinala naman sa Las Piñas District Hospital ang iba pang mga nasugatan, kabilang ang tiyahin ng dalawang bata at isang bombero.

Ayon kay Las Piñas City Fire Director Supt. Arhur Sawate, nagsimula ang apoy sa bahay ng nasawing bata alas-9:26 ng gabi at agad itong kumalat sa apat pang kabahayan sa nasabing lugar. Naapula ito alas-10:37 ng gabi, at tinatayang aabot sa P200,000 ang mga napinsalang ari-arian. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.