Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 araw na higit 3K kaso ng COVID-19 sa `Pinas

0 94

Pangatlong araw nang nakapagtala ng mahigit 3,000 kaso ng COVID-19 sa buong bansa samantalang higit 10,000 naman ang iniulat na gumaling, batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Marso 7.

Ayon sa COVID-19 Case Bulletin No. 358 ng DOH, nasa 3,276 ang naitala na bagong kaso ng virus infection dahilan para umakyat sa 594,412 ang kabuuang bilang nito sa bansa.

Nakapagtala naman ng 10,516 bagong gumaling kaya umakyat sa 545,853 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa COVID-19.

Nasa 51 ang bilang ng bagong namatay dahilan para umabot na sa 12,516 sa kabuuan ang mga nasawi.

May 36,043 na aktibong kaso naman, base pa sa pinakahuling bulletin nitong Sabado.

Leave A Reply

Your email address will not be published.