Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 araw na quarantine sa mga OFW hinirit

0 151

Umapela si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion sa gobyerno na gawin ang mandatory quarantine sa mga accredited facilities o hotels ng tatlong araw ng mga uuwing overseas Filipinos na planong magdiwang ng Kapaskuhan sa bansa.

“Our kababayans should spend Christmas at home, not in a foreign land and definitely not at a quarantine facility,” batay sa pahayag ni Concepcion kahapon.

SM food to go Banner Ad

Kung kaya’t hinimok nito ang pamahalaan na ibalik ang naunang polisiya na kapag negatibo sa COVID test ang mga OFW na uuwi sa bansa ay agad na pauuwin at sa kanilang tahanan na lamang mag-quarantine.

Naniniwala si Concepcion na hindi delikado kapag ginawa ito dahil kinakailangan pa rin mag-COVID test 72 oras bago umalis at pagdating sa bansa, at isasailalim pa sa tatlong araw na quarantine.

Sinabi pa ni Concepcion na isa sa pinakaligtas na lugar ang Pilipinas para ipagdiwang ng mga OFW ang Kapaskuhan lalo pa at wala pang kumpirmadong kaso ng Omicron variant sa bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.