Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 araw na quarantine sa uuwing Pinoy ikakasa

0 126

Susundin ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang panukala ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibaba sa tatlong araw ang itatagal ng facility-based quarantine para sa mga returning overseas Filipinos (ROFs).

“Kung ano po ang ibaba ng DOH (Department of Health), ng IATF, kami po ay sumasang-ayon po dahil po ito ay pinag-aralan po ng mga eksperto natin po,” pahayag ni BOQ deputy director Roberto Salvador Jr. nitong Miyerkoles.

Sa ilalim ng panuntunan ng IATF na ipinatupad simula Disyembre 3, ang mga bakunadong ROF na galing sa mga bansang wala sa red list ay dapat magprisinta ng negatibong resulta ng RT-PCR test na kinuha 72 oras bago umalis sa pinanggalingang bansa.

Pagdating naman sa Pilipinas, sasailalim sila sa quarantine sa isang pasilidad kung saan kukuhanan sila ng RT-PCR test sa ikalimang araw.

Anuman ang magiging resulta ng naturang test, sila ay lilipat na sa home quarantine hanggang sa ika-14 araw matapos ang pagdating nila sa Pilipinas. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.