Abante Tonite Interactive

3 arestado ng NBI sa online cybersex show

By
750

Nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong katao na nag-aalok sa mga parukyano online na makapanood ng cybersex show kapalit ng pera sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Biliran at Tacloban, Leyte.

Sinampahan ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) ng kasong paglabag sa RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003) as amended by RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012), paglabag sa RA 7610 (Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for other Purposes) as amended, violation of RA 9775 (Anti-Child Pornography Act of 2009), at paglabag sa RA 10175 (The Cybercrime Prevention Act of 2012), ang mga naarestong magpinsan na sina Renelyn Medalla, Michelle Medalla at Ariel Verana.

Nabatid na nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI na si Renelyn na taga-Tacloban City, Leyte ay nag-aalok ng sex shows online ng mga Filipino na menor-de-edad kapalit ng pera na ipinadadala sa mga remittance center.

Nagsagawa ng surveillance operations ang NBI at nang makumpirma ang aktibidad ay naaresto si Renelyn noong Pebrero 23 at nasagip ang apat na katao kabilang ang dalawang menor-de-edad. (Juliet de Loza-Cudia)