Abante Tonite Interactive

3 arestado sa cyber sex operation

By
17

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong lalaki na gumagamit ng mga pekeng accounts ng babae para sa kanilang cyber sex operation, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ng NBI–Cyber Crime Division (NBI-CCD), ang mga suspek na sina David Jemsen; at Marveen Navarro, mga nasa hustong edad at Carl Edward Perez, pawang residente ng  Duval Town Homes, Maawain St. Brgy. Pinayahan, Quezon City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang NBI na ang tatlo ay sangkot sa pagpapama­hagi, ng mga pornographic­ materials at nagbibi­gay rin ng ‘live shows’ sa kanilang mga kliyente dahilan para magsagawa ng surveillance ang ahensiya.

Nadiskubre na ang mga suspek ay gumagamit ng pekeng social media accounts at nagpapanggap na mga babae kung saan hinihikayat ang kanilang mga customers na  mag-sign up sa links na direktang magrerehistro sa porn site kung saan ibibigay ng customers ang kanilang credit card information para sa kabayaran.