Abante Tonite Interactive

3 bagets tinutukan ng bagitong pulis

By
16

Dinakip ang isang bagitong pulis matapos­ na manutok ng baril sa tatlong kabataan na nabundo­l ng minamaneh­o nitong motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSSupt. Jema­r Modequillo ng Caloocan City Police, pasado alas-siyete ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Ilang-Ilang St., Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan umano noong lulan ng pampasaherong tricycle ang mga biktimang sina Mike Geral­d Cabrera, 17-anyos­, Nelson Delos Santos, 17-anyos, at John Paulo Castor, 16-anyos, ng Admit­e Site, Tala ng nasabi ring lungsod nang bigla na lamang bundulin ng suspek na si PO1 Gregorio Rollan na sakay naman ng isang motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact ay nagtamo ng pinsala sa kanyang kaliwang binti si Delos Santos na noo’y nakaangkas sa likod ngdriver ng tricycle.

Agad na humingi ng saklolo ang mga kasama nito kay Rollan upang mabilis sana na maisugod sa pinakamalapit na pagamutan si Delos Santos.

Ngunit sa halip na tulungan at humingi ng paumanhin ay ito pa ang nagalit at bumunot ng baril saka tinutukan ang mga binatilyo at sinabi na, “May reklamo kayo?!”

Agad namang nagtakbuhan ang mga biktima na kahit pilay-pilay si Delos­ Santos ay gumapang ito makalayo lamang sa suspek.

Dumulog ang isa sa mga biktima sa pulisya na rumesponde sa lugar. Naaresto agad si Rollan na may kasong administratibo at reklamong reckless imprudence resulting­ in physical injuries.