Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bagets todas sa trak

0 85

Patay ang tatlong kabataan matapos na bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na 10-wheeler truck sa Barangay Poblacion Ilaya, Dumarao, Capiz kahapon nang madaling-araw.

Base sa ulat ng Dumarao Municipal Police Station, dalawa sa mga nasawi ay 12-anyos habang ang 13 taong gulang ang isa pa at pawang residente ng Barangay Janguslob sa nasabing bayan.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang drayber ng trak na si Jeonec Osoya, 33.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Raffy Arcenas, naganap ang insidente nitong Linggo nang madaling-araw habang lulan ang mga menor de edad na biktima ng motorsiklo sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Poblacion Ilaya.

Napag-alaman na mabilis ang takbo ng motorsiklo lulan ang mga walang helmet na mga biktima nang bigla itong lumiko pakaliwa sa national highway at eksakto namang paparating ang trak dahilan upang masalpok sila nito.

Tumilapon pa ang mga biktima sa lakas ng pagkakasalpok sa kanila at halos mawasak naman ang motorsiklo nang magulungan ng trak.

Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga biktima subalit idineklara na rin silang dead on arrival dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.