Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bahay nilamon ng apoy

0 87

NASUNOG ang tatlong malalaking bahay sa Purok 6, Macatangay Drive, San Jose, Zamboanga City, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa report mula sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog ganap na alas-5:00 ng madaling araw at tumagal ng isang oras bago tuluyang naapula.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa taya ni Fire Chief Inspector Jacqueline Ortega, District Fire Marshall ng BFP, umabot sa P750,000 ang halaga ng ari-ariang natupok ng apoy.

Wala namang naiulat na nasugatano nasawi sa insidente.

Masusi pa ngayong sinisiyasat kung ano ang pinagmulan ng sunog. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.