Abante Tonite Interactive

3 bangkay bumuyangyang sa Benguet

308

Tatlong bangkay na pinaghihinalaang mga illegal drug pusher ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Tuba, Benguet, ayon sa Tuba ­Municipal Police Station (TMPS) kahapon.

Ayon sa TMPS, Miyerkoles nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa 15 metrong bangin sa bagong bukas sa San Pascual-Nangalisan Road sa Sitio Ana-aw, Barangay San Pascual sa nasabing bayan.

Inaalam pa ng TMPS ang pagkakakilanlan ng biktima dahil nasa stage of decomposition na ito. Ang lalaki ay naka-gray na sweatshirt at denim na pantaloon. Balot ang kanyang ulo ng packaging tape, indikasyon na ito ay biktima ng summary execution.

Noong Martes, ayon sa TMPS, isang Christian “Sadeek” del Prado Alvar, 38-anyos, at isang lalaki ang natagpuang patay sa upper river bank sa Bued River, Camp 3, Tuba.

Ayon sa TMPS, si Del Prado ay isa umanong illegal drug peddler at nasasangkot sa carnapping, murder at kidnap-for-ransom na kaso. (Allan Bergonia)