Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bangkay ng mangingisda narekober sa Catanduanes

0 83

Natagpuan ang mga labi ng tatlong mangingisda na napaulat na nawawala sa Catanduanes, matapos na tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong ‘Quinta’.

Ayon sa pulisya pasado alas-siyete Martes ng umaga nang matagpuang palutang-lutang ang bangkay ng dalawang mangingisda sa karagatan sakop ng Brgy. Bote na nakilalang sina Romeo Torilos, 44, at Jomar Dela Concepcion. Kasunod nito, ala-una ng hapon nang matagpuan ang bangkay ni Luisito Tallada, 15.

Dinala ang mga labi ng mga nasawing mangingisda sa kanilang mga pamilya. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.