Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bebot, 6 pa tiklo sa P286K shabu

0 329

Siyam katao na kinabibilangan ng tatlong kababaihan na sinasabing tulak ng iligal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City, Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Quezon City Police District Director, Police Brig. General Antonio C Yarra ang naarestong sina Joan Palejo, 33; Jessica Pascua alias “Ika”, 26; Joedmer Austria alias “Jojo”, 40; Jojo Nieves alias “Coco”, 21, at Lemuel Flores alias “Jhong”, 21, pawang taga-Novaliches, QC.

Ang grupo ay naaresto ng operatiba Novaliches Police Station (PS 4) sa pangunguna ng Station Commander na si PLt. Col. Richard Ian Ang, alas-11:30 ng gabi (May 7), sa tahanan ni Pascua sa Blk. 1 Lot 1 F. Sta. Veronica St., Brgy. Gulod, Novaliches, matapos makabili ang undercover cop ng P200 shabu.

SM food to go Banner Ad

Maliban sa buy-bust money, nasamsam din ang 9 sachets ng shabu na tumitimbang ng 22 grams at nagkakahalagang P149,600 at 2 cellphone.

Sa hiwalay na operasyon naman nadakip sina Michael Adayo, 35; Mariel Elaine Cariño, 27; Edwin Perdiso, 35, at George Florentino, 42, pawang taga-Quezon City.
Nakumpiska sa mga ito ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalagang P136, 800 at buy-bust money. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.