Abante Tonite
Mabilis sa Balita

3 bebot na kubrador ng loteng, timbog

0 56

Arestado ang tatlong babae na umano’y mga kubrador ng loteng makaraang mahuli sa akto na nagpapataya sa Navotas City, kamakalawa.

Paglabag sa Presidential Decree No. 1602 (illegal gambling–loteng) ang isinampang kaso laban sa mga suspek na sina Ines Noble, 57; Ma. Zenia Gonzales, 27; at Emma Villasor, 52, pawang residente ng Barangay North Bay Boulevard sa nasabing lungsod.

Nakuha kay Ines ang itim na ball pen, kapirasong papel at P820 bet money habang kay Zenia ay P490 bet money gayundin kay Emma na P540 bet money at black ball pen.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report ng District Special Operation Unit ng Northern Police District, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na may mga kubrador umanong nagpapataya ng loteng sa No. 447 Barangay North Bay Boulevard.

Kaagad nagtungo sa lugar ang mga pulis at naaktuhan ang tatlong kubrador, dakong alas-tres ng hapon.

Depensa ng tatlong inaresto, ginagawa lang nilang ito upang may pangkain bagay na hindi pinakinggan ng mga pulis bagkus ay binitbit sila sa presinto at ikinulong. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.