Abante Tonite Interactive

3 bebot nakipagtransaksyon ng P3.4M shabu sa mall

323

Naaresto ng operatiba ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong kababaihan na hinihinalang big time drug pusher sa buy-bust operation at nakumpiskahan ng P3.4 milyon halaga ng shabu sa isang kilalang mall sa Maynila.

Kinilala ang mga itong sina Maryjane Antonio Bayan, 23; Elaine Carba, 22, at Lara May Medina, 28, pawang dalaga at taga-Malolos Bulacan.

Dakong alas-5:45 nang gabi kamakalawa nang isagawa ang operation ng operatiba ng PDEA RONCR na pinamumunuan ni IO III Lorenzo Advincula Jr.; PDEA RO1 sa pamumuno ni IO III Dheo Tabor; RO3 sa pangunguna ni IAV John Jerme Almerino, RO4A sa ilalim ni IA III Christopher Basilio, at RO5 na pinangungunahan ni A III Vidal DC Bacolod, sa 3rd level parking lot ng mall.

Nakipag-transaksiyon ang PDEA sa mga suspek at ­nagkasundong sa mall parking lot ang ‘palitan.’

Sa gitna ng transaksiyon at hawak na ng mga suspek ang ‘marked money’ ay agad na ­lumantad ang mga nakakubling operatiba ng PDEA at pinosasan ang tatlong babae. (Dolly Cabreza)